Panglipunan
Provision Of Mobility Aids / Assistive Devices
Noong ika-02 ng Oktubre, 2024 matagumpay na naihatid ng Lokal na Pamahalaan ng Taysan, sa pangunguna ng Ama ng Bayan, Kgg. Edilberto T. Abaday at sa pamamatnubay ng Municipal Social Welfare Development Officer, Ms. Lea D. Atteo, ang Pagbibigay ng ASSISTIVE DEVICE/S gaya ng Wheel Chairs at Walker. Ang mga Pantulong na Aparato ay naihandog ng maluwalhati sa ating mga pangunahing mamamayang lubos na nangangailangan.
Happy Teacher's Day Celebration
Maligayang Araw ng mga Guro sa lahat! Ang aming paggalang at taos-pusong pasasalamat ay para sa inyong dedikasyon at malasakit na walang kapantay.
Inauguration Of Taysan Health Center & Tupad Orientation
Matagumpay na naisagawa ngayong araw ika-09 ng Setyembre, 2024 ang Inauguration ng Taysan Super Health Center sa Bayan ng Taysan. Ito ay pinangunahan ng Punong Bayan, Kgg. Edilberto T. Abaday, Sangguniang Bayan kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan.
Personal din na nakiisa si Senator Bong Go, Chairperson ng Senate Committee on Health sa Inauguration Ceremony ng ating Super Health Center kasama ang isa sa matalik nyang kaibigan na si Philip Salvador.
LTO Caravan
Handog Serbisyo mula kay Mayor Edilberto T. Abaday
For Registration and inquiries pls. visit PESO Office.
State Of The Municipality Address (Soma) 2024 Of Mayor Edilberto T. Abaday
Inilahad ng Punong Bayan, Kgg. Edilberto T. Abaday sa kanyang State of the Municipality Address ang PagE-DELiver ng Tapat na Serbisyo para mga Tayseño. Kabilang na dito ang nagawa ng bawat isa sa pagkamit ng kapayapaan, kaayusan, kahandaan, at higit sa kaunlaran ng bayan.
Aniya, mahalaga ang bawat opinyon at partisipasyon ng bawat isa para sa patuloy na pagkamit ng kaunlaran. Kanyang binigyang importansya na sa bawat kaunlaran ng Taysan ay kasama nito ang bawat isang Tayseño.
Lubos din ang pasasalamat ng alkalde sa Head ng Bawat Departamento at bawat sektor sa bayan na katuwang ng LGU sa pamamalakad ng kaunlaran.
Dumalo sa nasabing Programa ang Sangguniang Bayan, Barangay Officials, Sk Officials, Department Heads, Kawani ng Pamahalaang Bayan, Judge Perla Huerto, Congw. Lianda Bolilia, Bokal Caloy Bolilia, Bokal Melvin Vidal at Civil Society Organizations.
Sa huli, tiniyak ni Mayor Edel sa bawat isa na walang magpag-iiwanan sa patuloy na kaunlaran ng Taysan.
Passport On Wheels At LGU Taysan
Matagumpay na naisakatuparan kahapon August 07, 2024 ang PASSPORT ON WHEELS sa Bayan ng Taysan sa pamamagitan ng Punong Bayan, Kgg. Edilberto T. Abaday.
National Disability Rights Week
Municipality of Taysan joins the nation in celebrating NATIONAL DISABILITY RIGHTS WEEK | 07.29.24
Promoting Inclusion: Celebrating Abilities and Advocating Access
E-DELiver ang Tapat na Serbisyo sa Tayseño
✅Distribution of School Supplies
✅Local Pension Payout for Older Persons, PWD’s and Solo Parent.
Pamamahagi ng School Supplies sa mga magaaral ng Pampubliko at Pampribadong Paaralan at Tulong Pinansiyal sa mga Older Persons , PWD’s at Solo parent. Ito ay pinangunahan ng Punong Bayan Kgg. Edilberto T. Abaday , at Sangguniang Bayan kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Taysan.
Ang pamamahagi ay ginanap sa Pinagbayanan, Guinhawa, San Marcelino at Sto. Niño.
E-DELiver ang Tapat na Serbisyo sa Tayseño
✅Distribution of School Supplies
✅Local Pension Payout for Older Persons, PWD’s and Solo Parent.
Pamamahagi ng School Supplies sa mga magaaral ng Pampubliko at Pampribadong Paaralan at Tulong Pinansiyal sa mga Older Persons , PWD’s at Solo parent. Ito ay pinangunahan ng Punong Bayan Kgg. Edilberto T. Abaday , at Sangguniang Bayan kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Taysan.
Ang pamamahagi ay ginanap sa Pob. East, Pob. West, Mapulo, Bilogo at Pag-asa.