Laurel

Announcements

Punong-Barangay

Hon. Leopoldo G. Perez

Barangay Captain

Barangay History


Maikling Kasaysayan:


Ang Barangay Laurel na hinango sa pangalan ng dakilang Jose P. Laurel, Sr. ay isang bulubunduking lugar sa timog ng Dagatan, hilagang ilog ng Bacao, silangan ng Mapulo at kanluran ng ilog Malabo.


Noong Mayo, 1968 ito ay naihiwalay sa Dagatan sa kahilingan ng mga naninirahan dito na inihain sa Kgg. Punong Bayan Isidro O. Sulit, Sr. Kapagdaka’y napatalagang Kapitan ng Barangay si Kgg. Felipe Garcia.

Ang pagkakaroon ng kasarinlan ay nagdulot ng mga kaunlaran. Nagkaroon ng gusaling multi-purpose, mga daang-nayon, mga poso artesiano at daloy ng tubig mula sa natuklasang bukal ng tubig mula sa ligwayen, isang sityo ng Mapulo.

Noong 1972, naging Punong Barangay si Kgg. Eustaquio Perez. Naipagpatuloy ang pagpapadaloy ng tubig sa tulong ng Batangas Development Authority. Sumunod sa kanya si Kgg. Mario Garcia noong 1976, kung kailan dumaloy naman ang kuryente sa kanayunan. Namuno naman si Kgg. Jose E. Arellano noong 1990. Siya ay hinalinhan ni Kgg. Fidel Perez noong 1994 na siyang nagsimulang magtayo ng Paaralang Primarya ng Laurel, sa tulong ng Kgg. Punong Lalawigan Vicente A. Mayo. Noong 2002 naging Punong Barangay si Kgg. Carlos Bosa at sinundan ni Kgg. Crisanto F. Gutierrez at ang kasalukuyang Punong Barangay na si Leopoldo G. Perez, sa pamumuno niya ay naipalipat ang kampamento mula sa multi – purpose hall, ngayon ay nasa paaralang elementarya na. Naipatayo ang covered court sa tulong ng Kinatawan ng ika – 4 na distrito ng Batangas na si Kgg. Lianda B. Bolilia, nagkaroon ng bagong barangay road sa sitio mangga na pinangalanan ng Florencio Flores road, nagkaroon ng mga street lights, naitayo ang pamunuan ng Barangay Laurel Water Supply (BLWS) na kasalukuyang pinagkukunan ng tubig ng barangay at napasimento din ang mga barangay road ng Centro 1 at Malabo.


Ang Barangay Laurel, ay may sukat o luwang na 2,570,459 metro kwadrado lupain, ito ay kapatagan at mayroon din naming parting bulubundukin. Ito ay may napakatabang lupa na kung tawagin ay “Ibaan Clay Loam”. Ang klima dito ay tag-ulan mula buwan ng Mayo hanggang buwan ng Nobyembre at tag-init naman kapag buwan ng Disyembre hanggang buwan ng Abril. Ang lupain dito ay pang-agrikultura din, marami dito ay paghahalamanan ang ikinabubuhay.

Ang Barangay Laurel ay napapalibutan ng mga sumusunod na Barangay .Sa hilaga Barangay Sto. Nino, sa timog Barangay Bacao,sa silangan Barangay Pina at sa kanluran Barangay Dagatan at Mapulo.


Ang Barangay Laurel ay nasa Rural na uri o klasipikasyon na isang Barangay.

Legal na Basehan ng Pagkakatatag ng Barangay: Republic Act.3590

Mga Pitsa/Selebrasyon at Petsa: Mayo 28

Organizational Chart