Kalusugan

Handog ng Pamahalaang Bayan ng Taysan Libreng Blood Chem para sa mga Senior Citizens, PWD's at Barangay Functionaries

Isinakatuparan ngayong araw October 15, 2024 ang Libreng Blood Chem sa Brgy. Pinagbayanan at Brgy. San Isidro sa pangunguna ng Punong Bayan Kgg. Edilberto T. Abaday, Sangguniang Bayan katuwang ang Mun. Health Office sa pangunguna ni Dra. Daisy Redelicia at Dra. Nanette Vicente Viril kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Taysan.

Medical Mission: Pedia Cardio Screening

Ang Lokal na Pamahalaan ng Taysan, sa pakikipagtulungan ng Jaden and Friends Inc. at Happy Hearts Doctors, ay magsasagawa ng Libreng Medical Mission para sa Pedia Cardio Screening!

Layunin ng programang ito na matulungan ang mga batang may Congenital Heart Disease sa pamamagitan ng libreng check-up at screening mula sa ating mga espesyalistang doktor. 

National Mental Health Month Celebration

In celebration of the National Mental Health Month, the Taysan Super Health Center, in coordination with the Taysan PNP, conducted a series of mini lecture/seminar to the students of Our Lady of Mercy Academy, Tilambo National High School and San Isidro High School. Along with Mental Health, topics such as Teen-Age Pregnancy, Sexually Transmitted Illness and Drugs were also discussed.

Taysan Blood Olympics

Maraming salamat po sa lahat ng magigiting na blood donors ng Taysan. Thank you for saving lives❤️

190 bags of blood ❤️❤️❤️

Inauguration Of Taysan Health Center & Tupad Orientation

Matagumpay na naisagawa ngayong araw  ika-09 ng Setyembre, 2024 ang Inauguration ng Taysan Super Health Center sa Bayan ng Taysan. Ito ay pinangunahan ng Punong Bayan, Kgg. Edilberto T. Abaday, Sangguniang Bayan kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan. 

Personal din na nakiisa si Senator Bong Go, Chairperson ng Senate Committee on Health sa Inauguration Ceremony ng ating  Super Health Center kasama ang isa sa matalik nyang kaibigan na si Philip Salvador.