Pag-asa

Announcements

Punong-Barangay

Hon. Rolando Hornilla

Barangay Captain

Barangay Pag-asa History

Maikling Kasaysayan



Sa nakalipas na animnapong taon bago maging sibilisado ang Pag-asa at magkaroon ng pangalan bilang isang barangay ay nabibilang ito sa lupaing Panghayaan sa bayan ng Taysan. Dahil sa laki ng lupaing nasasakupan ng Panghayaan, ay hinati ito sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi ng lupain sa silangan ay sa Panghayaan at ang ikalawang bahagi sa parting kanluran ay pinangalang Pag-asa.


Noong panahong iyon, bago paman tuluyang mag-sarili ang Pag-asa bilang ganap na barangay ay maraming ugat at kwento ang pinagmulan ng pangalan nito. At isa sa mga kadahilanan ay ang uri ng buhay, kaugalian at kinagawian ng mga taong naninirahan dito. Kaugnay nito ay ang uri ng kanilang pamumuhay na nauuri sa pagsasaka, pangingisda at ang huli’y pangangalakal.


Hindi maipagkakailang binubuo ang lupain ng malawak na kapatagang mainam upang sakahin. Malinis na ilog at iba pang anyong tubig na nagbibigay ng malilinamnam at malulusog na isda, alimango, hipon, at iba pa. Gayundin naman ang halagang naidulot ng pangangalakal na naging pangunahing pinagkukunan ng pagkakakitaan. Noong una, dumadayo ang mga taong naninirahan sa nasabing pook sa ibat ibang parte sa kmaynilaan upang makipagpalitan ng kanilang mga produkto. At sa kadahilanang may isang lugar sa Lungsod ng Caloocan na napamahal na sa mga taong kung tawagin noon ay mga “magluluwas” na ang kahulugan ay nagdadala ng mga produkto sa ibang lugar upang ipagpalit sa ibang produkto o sa salapi ay napagkaisaan nilang ihango ang pangalan ng nasabing lugar at gamitin bilang pangalan ng barangay na ngayon kung tawagin ay PAG-ASA.