Piña

Announcements

Punong-Barangay

Hon. Tony Marasigan

Barangay Captain

Barangay Piña History

Ang bulubunduking lugal na ito na ang pangalan ay hinango sa halamang Pinya,ay may sukat na 640,337 sq km., binibuo ng anim na Sitio;Sitio Conde, Sitio Atisan, Sitio Duhat, Sitio Buwo, Sitio Atswete, Sitio Gabihan at Sitio Centro, at ito ay may layo na Pitong kilometro ang layo sa kabayanan ng Taysan. Ang mga karatig barangay nito sa Ilaya ay ang Sto. Niño, at San Marcelino, sa ibaba ay Bacao at bayan ng Lobo, sa Silangan ay Pinagbayanan at Guinhawa, at sa Kanluran ay Laurel at Dagatan.


Dahilan sa mga lugal na ito ay napapaligiran ng mga bundok, burol, ilog, ang ibang pook ay nararating lamang sa pamamagitan ng pagsakay sa kabayo. Gayumpaman, sa kasalukuyan ay may 284 na tahanan pa rin ang nakatayo ditto na umaasa sa mga likas na yaman, tulad ng table, at mga kahoy na panggatong. Kapansin-pansin ang pagiging sagana ng lugal na ito sa iba’t-ibang halamang nakatanim gaya ng saging, kape, niyog, atis, sampalok, manga, at ang kasalatan naman sa palay at mais. Bukod pa sa pagtatanim ng mga halaman ng mga naninirahan ditto ay umaasa pa rin sa pag-aalaga ng mga manok, baboy, baka, kalabaw, kabayo, at kambing.


Hindi naging sagabal ang layo ng lugal na ito para di maabot ng mga kalingang-pambayan. Sa katunayan, ditto ay mayroon ng maayos na daan, patubig, daloy ng kuryente, transportasyon at komunikasyon, pangkalusugang paglilingkod sa sistema ng Edukasyon. Sa larangan naman ng Edukasyon, may dalawang Paaralang Primarya na naitatag ditto; ito ay ang Paaralang Primarya ng Sito Conde at Paaralang Primarya sa Piña Centro. Ang paaralang ito ay nabigyang pansin sa pagtutulong-tulong na rin ng mga nauna at ng mga sumunod na nanungkulan sa Barangay.


Dahil sa pagsusumikap ng mga nakaraang nanungkulan sa barangay, ay may mga mahahalaga ring proyektong maisasagawa noong taong 2005. Sa pagtutulungan ng Sanggunian, na matatapugpuan sa Sitio Conde at ito ay napatunayan ng isang gusali na ginawang silid aralan para sa Day Care, nasa ngayon ay napapakinabangan ng mga batang mag-aaral na pumapasok dito. At isang health center na matatagpuan sa Sitio Duhat,upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayang naninirahan sa brangay.


Isa pa ring naipatayo ng mga nanunungkulan dito ay nakapag patayo ng tatlong Basketball Court na makikita sa Sitio Conde, Sitio Duhat, Sitio Centro, kayat halos lahat ng mga kabataan na mahilig maglaro ay naka pag daraos dito.


May mga mahahalaga ring okasyon na ipinagdiriwang sa barangay, tulad rin ng kapistahan sa nayon, ang tatlong Sitio dito ay kani- kani lang petsa ng pag diriwang. Ang Sitio Conde, Sitio Duhat, ay tuwing huling sabado ng buwan ng Mayo at sa Sitio Centro ay tuwing huling Sabado ng buwan ng Abril. Kaya’t ng lahat ng mamamayan dito ay binubuo ng isang Libo, Limang daan tatlumput anim na mamamayan ay masayang nag daraos at nag sisimba bilang pasaslamat sa patron ng mahal na BERHING MARIA.


Organizational Chart